Thursday, July 07, 2005

MINSAN ISANG BATA.... my thesis

**** i wrote this for my thesis that carries the same title (MINSAN ISANG BATA). my topic was about Child Abuse but in the context of creative writing... which is also my undergrad course (malikhaing pagsulat sa filipino). i love children and i hate abuse.... so i decided to write about them.... fortunately, after a long day's work with my thesis (i was confined in the hospital when i wrote my thesis.... i had an operation that time!) my adviser gave me an "1.0" for a grade.... i am a member of the ABS-CBN Foundation Volunteers and Bantay Bata 163. This is my passion.... saving lives and saving kids!****
Minsan Isang Bata
(written: 2003)

mga luha tayong patuloy na dumadaloy
sa isang naghihingalong katauhan
mga pahina tayo ng isang libro
punit-punit, kulang-kulang
-----
isa kang yosi, ako nama’y diyaryo
sa gitna ng init ----- inilalako
walang oras makapaglaro, kahit na ngumiti
kulang ang kita, sa sindikato’y may batok pang kasama
-----
isang boteng mineral water
dalawang linggo tinutungga
wala si ina, lasing si ama
adik ang ate, pati rin si kuya
kinalimutan na ang bertdey ni Ana
-----
mga pawis tayong natuyo sa init
karapatang ikinahon at pag-asang ikinulong
bata pa siya para kay Joe at Sam
hinalukay ang katawan
basang-basa sa laway
-----
mga bukol tayo --- matigas ang ulo
sugat na malalim, damdaming naghihinakit
kalabog ng pinto, basong basag
lamesang wasak at kahoy na biak
murang katawan ang pader
panangga sa humahagis na kutsilyo
-----
tayo ang kwarto, ang sulok, kisame’t sahig
nakatulala, nagmumuni-muni
may biglang iiyak, may biglang tatawa
magdadabog parang baboy ramong nakawala
maya-maya pa’y tatahimik ang paligid
-----
mga bata tayong pinagkaitan ng panahon
mga luha tayong patuloy na dadaloy
tulad ng isang batas,
punit-punit, kulang-kulang
mga karapatang itinago sa isang libro
inuubos na ng insekto ang pahina nito
walang awang pinahirapan ang naghihingalong katawan
wala na ------