Thursday, July 07, 2005

FRIENDS DAW

FRIENDS DAW
(written: 2003)

Ginamit mo ang kabaitan ko
Sinamantala dahil ako’y nauuto
Kahit minsan ako’y pinaplastik
Makuha lamang ang nais.
-----
“Friends tayo”, pakilala mo sa’kin sa ibang tao
Ako nama’y isang tanga’t naniwala agad sa’yo
Pero noong isang araw lang nang tanungin ka,
Biglang tanggi at hindi ako kilala.
-----
Naaalala lang ako kapag may kailangan
Pagkatapos biglang kakalimutan
Masakit man sa loob ko at hindi ka nagpasalamat
Hindi ko makuhang magtampo dahil magkaibigan nga tayo.
-----
Lahat ng sinabi mo, pilit kong pinagbigyan
Kahit na minsan ako’y nahihirapan
Basta’t para sa kaibigan ko, kung kaya gagawin
Huwag lang sana akong gaguhin
-----
Pero akala ko pwede kang pagkatiwalaan
Kaibigan pa naman ang turing ko sa’yo.
Sinira mo lang ang tiwala ko
Pinahiya mo ko sa maraming tao.
-----
Paano mo ako ngayon mapapaniwala
Sa mga kasinungalingan mong nagawa?
Paano pa ako muling magtitiwala
Kung ang pagkakaibigan nati’y iyong sinira?